Thursday, August 17, 2006

Para Sa Mga Sumisingit Sa Pila

Lahat ng tao mayroon pupuntahan.
Pagkatapos ng isang mahabang araw sa trabaho, lahat nais ng umuwi at magpahinga.
Pag minsan, mayroon din mga panahon na gusto mo naman lumabas at magpakasaya.

Lahat nagmamadali para makarating sa nais nilang patutunguhan.
Pero sa tingin yo na kayo lamang ang nagmamadali at mayroon gustong puntahan?
Nagkakamali kayo!

Kapag mayroon pila, doon ka sa dulo.
Huwag basta sumingit.
Kaya nga may pila e.
Para maayos kahit papaano at hindi magkandagulo.

Mga hayop kayo!

No comments: