Bakit laging bumabagsak ang ulan tuwing ako ay papauwi na? Pwede naman sa hapon o di kaya sa umaga ngunit bakit kailangan sa gabi?
Katulad noong Lunes, kitang kita ko ang mga kidlat at rinig na rinig ko ang mga kulog habang ako ay nasa isang pagpupulong. Ako ay nakaramdam ng konting takot sapagkat hindi tiyak kung anong oras matatapos ang pagpupulong at kung anong itsura ng mga kalye paglabas ko... o makikita pa nga ba ang mga daan.
Martes, hindi ko napansin ang umaabon pala hanggang noong lumabas ako. Nagtatalo pa kami kung paano kami uuwi... taxi, mrt o bus. Ang bus ang nanalo. Habang papunta na kami sa sakayan narinig ko ang aking pangalan. Tinatawag ako ng isa kong kasama sa opisina at inaayo akong sumabay sa kanya. Syempre sa una medyo parang walang wala nanaman ang itsura pero nakisabay din.
Miercoles, buti naman at hindi umulan at hindi masyadong abala umuwi.
Huwebes, kamusta naman ulan? Nag-trekking tuloy yung dalawa kong ka opisina na kumuha ng sasakyan habang kami ay nag antay sa lobby habang pinanonood ang isang ipis. Tapos nagsisikan kaming 9 sa loob para hindi mabasa.
Biyernes, hello ulan! Sobrang lakas ng buhos at may umaagos ng tubig sa harap ng opisina. Sayang at wala akong papel na bangka. Ang saya kayo nun!
Nagkakataon lamang ba na umuulan tuwing gabi?
Hay. Sana tumigil na ang pagpatak ng ulan para naman matuloy ang mga plano ko sa buhay.
Aral: Pumasok ng maaga para makauwi ng maaga habang hindi umuulan. Kung hindi, maghanda mag pedicab hangang Shangri-la. :)
No comments:
Post a Comment