Friday, August 19, 2011

On Headlights

Stupidity strikes once again.

Pa-uwi na ako galing Ultra. Kakaliko ko lang sa San Miguel Ave. galing Julia Vargas tapos mayroong enforcer na sumesenyas na tumabi. Nung papalapit na ako tsaka ko na-realize na ako nga talaga ang pinapatabi kasi wala ng ibang sasakyan sa likod ko. Oh noes.

Enforcer: Ma'am according to article blah blah, section blah blah, bawal po na walang headlights.
Me: *checks* Ahh, wala po ba akong headlights?
Enforcer: Malayo palang kitang kita na walang headlights.
Me: *opens headlights* Oo, nga noh.
Enforcer: Naku Ma'am, kailngan ko makita ang lisensya yo.
Me: Talaga? E asa likod e.
Enforcer: Ma'am pakita po.
Sister: Baka naman po pwedeng warning lang? New driver kasi.
Enforcer: Lisensya po Ma'am.
Me: *gets out to get license*
Enforcer: Ma'am saan po ba kayo galing?
Me: Ultra
Enforcer: Naku Ma'am ang layo yo na pala, buti kung sa parking lang.
Me: Hindi ko po napansin. Maliwanag po kasi dito.

Pagpasok ko uli sa coche wala yung enforcer.
Me to sister: What if i-go ko na ito?
Sister: ATEEEE!

Dumating yung enforcer.
Enforcer: Ma'am lisensya po.
Me: *gives license* So kuya ano po bang patakaran sa no headlights?
Enforcer: Ma'am, may dalawang options po kayo.
Me: Ano po iyon?
Enforcer: Kukunin ko ang lisensya yo at bibigyan ko kayo ng temporary. Tapos kukunin yo sa Pasig.
Me: Ahh, ganoon ba? Hindi ko kasi talaga napansin. First time ko lang kasi hawakan tong coche.
Enforcer: Opo Ma'am, baka mahassle kayo kasi 5-working days yun e.
Me: Pero kung yun ang patakaran, e di ganun.
Enforcer: Ma'am baka magulat kayo kasi kelangan pang tubusin.
Me: E, pasensya po, kung yun naman po ang patakaran.
Enforcer: Ma'am may 2 options po tayo...
Me: Ano po iyon? Kung yun yung sa patakaran, e di ganun.
Enforcer: Ma'am, sigurado po kayo?
Me: Pasensya po Sir, alam ko na mali ako...
Enforcer: Ma'am, inuulit ko po, may 2 options po tayo....
Me: Pero ayan na oh, nakabukas na. Baka ok na?
Enforcer: May 2 options po tayo, delikado kasi yung walang headlights.
Me: Kung yun nga po ang sa patakaran...pero ok na siguro ngayon nakabukas na oh...
Enforcer: Sige Ma'am, next time po siguraduhin yong bukas ang headlights yo, cause kasi yan ng accidents.
Enforcer: *hands me my license*
Me: Salamat po.