Friday, March 04, 2011

$#@!~

On Schedule
Hindi sa may sarili akong schedule, wrong timing lang. Mali ba na unahin ang pamilya? For crying out loud, kasal yun ng kapatid ko! Ano gusto yo, unahin ko ang career bago ang pamilya? ASA!

On Flexi Time
Hindi sa maarte ako na hindi maka-adjust sa biglaan na OT o 24 hour shift, ang hinihingi ko lang e i-inform ako nang maayos. Lahat aware sa palit ng shift at ito ako nag-iisa sa dilim. Ano gusto yo, o-OO lang ako pagkakuha ng email ng Friday late afternoon para pumasok ng weekend?

On Own Time
Hindi sa may sarili akong oras, pero mag aantay lang ba ako habang panahon? Kung open lang sa mga plano-plano e di sana ako gumawa ng sariling mga plano. Ano papalampasin ko lang ba ang mga araw sa kakaantay?

On Choosy
Hindi sa choosy ako, pero kung magagawan ng paraan bakit naman hindi. Tatahimik lang ba ako kahit na hindi ako masaya sa kalagayan ko? Mali ba na i-voice out ang aking mga pangarap?

On Palakasan
Hindi ako friendly, pero kailangan ko bang sumipsip para mapansin? Ms. Career Climber, takot ka ba at baka matalbog ka? Isa pa, pasensya nalang ako at hindi ako ang gf ng linalandi mo, bakla!

No comments: